^

Bansa

Bulkang Taal muling nagbuga ng usok

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal muling nagbuga ng usok
Ayon kay Director Renato Solidum, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) araw-araw naman ay nagbubuga ng usok ang bulkan makaraan ang nagdaang eruption dito.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Muling nagbuga ng usok ang Bulkang Taal sa Batangas.

Sa nakalipas na  24 oras, nakapagtala na ng 5 volcanic earthquakes at pagbuga ng usok na may 20 metro ang taas mula sa main crater.

Ayon kay Director Renato Solidum, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) araw-araw naman ay nagbubuga ng usok ang bulkan makaraan ang nagdaang eruption dito.

Bagama’t palagiang nagbabago ang volume ng usok mula sa bulkan, normal lamang anya ang aktibidad na ito at wala naman itong posibilidad na sumabog.

Gayunman, ayon kay Solidum, ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok ng mga tao sa volcano island upang maingatan ang mga ito sa anumang peligro na maaaring idulot ng bulkan.

Nananatili namang nasa alert  Level 1 ang buong  Taal Volcano.

Ani Solidum, walang dapat ipag-alala ang publiko sa araw-na pag­lalabas ng usok ng Taal dahil ito ay normal lamang at hindi kinakikitaan ng posibleng pagsabog.

RENATO SOLIDUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with