^

Bansa

Overcharging ng gamot sa ospital, ibinuko ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

Isinasama na sa bill ng pasyente

MANILA, Philippines — Ibinuko ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na may mga ospital na sobrang napakamahal kung maningil ng presyo ng gamot at may ilan na isinasama na ito sa kuwenta ng bayarin ng kanilang mga pasyente.

Ayon kay Sen. Go, nalungkot siya sa natuk-lasan niyang ito kaya si­nabing paiimbestigahan ito sa Senado.

“May mga nababalita tayong ‘overcharging’ ng mga gamot sa mga ospital na isinasama na lang sa total bill ng mga pas-yente. Walang choice ang pasyente kundi bayaran ito upang magamot at makauwi. Nakalulungkot ito dahil sa oras na dapat magdamayan at magmalasakit tayo sa isa’t isa, may mga tao na pinipiling pagsamantalahan pa ang kapwa nilang Pilipino,” ang pahayag ni Go.

Bukod dito, sinabi ng senador na nalaman din niyang may mga gamot na mahirap hanapin at hindi naibebenta o naipamamahagi sa mga nangangailangan, lalo sa mahihirap, kung kaya may namamatay na lang dahil hindi makainom ng gamot.

Dahil dito, iginiit ni Sen. Go sa Department of Health (DOH) at sa Department of Trade and Industry (DTI) na tiyaking laging may nakahanda, may mabibili na murang mga gamot na kailangan  ng mga Filipino lalo ngayong may krisis sa kalusugan na hatid ng COVID-19.

Ipinarerebyu niya sa DOH at DTI ang listahan ng mga gamot na kasama sa Executive Order 104 na nagpapataw ng Maximum Drug Retail Prices (MDRP) sa mga medisina batay sa Cheaper Medicines Act.

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with