^

Bansa

Operators ng HK vessel kakasuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang operator ng Hong Kong cargo vessel na nakabunggo sa isang Filipino fishing boat sa may Occidental Mindoro na may lulan na 14 katao na patuloy na nawawala.

Sinabi ni PCG commandant Vice Admiral George Ursabia Jr., nangangalap na sila ng ebidensya at mga sinumpaang-pahayag ng mga mangingisda na nasa lugar nang maganap ang insidente.

Nagpadala na ang PCG ng mga abogado sa Min­doro para kumausap sa mga mangingisda at makuha ang kanilang salaysay.

Una nang sinabi ng PCG na maraming paglabag ang mga tripulante ng MV Sienna Wood dahil sa katagalan ng pagpapadala ng distress signal na umabot ng 3 oras sa pamamagitan ng e-mail at pagkabigo na matulungan ang mga sakay ng FV Liberty 5.

Samantala, nasa ‘retrieval operations’ na ang PCG para marekober ang katawan ng 12 mangingisda at 2 pasahero na sakay ng Liberty 5.  May limang araw na nitong Biyernes mula nang maganap ang bungguan at lumubog ang bangkang pangisda.

Inamin ni Ursabia na maliit na lamang ang tsansa na matagpuang buhay pa ang mga sakay ng bangka kaya nasa retrieval operations na sila sa susunod na dalawang araw.

 

OPERATORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with