^

Bansa

Danyos sa Pinoy crew ng pinalubog na fishing boat ‘di pa nababayaran

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa naitatakda ng Department of Justice (DOJ) kung magkano ang financial compensation para sa 22 crew ng fi-shing boat na Gem-Ver 1 na pinalubog ng Chinese vessel sa West Philippine Sea noong nakaraang taon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ito ang dahilan kaya hindi pa nababaya-ran ng Chinese government ang mga mangingisda na sakay ng Gem-Ver 1 na lumubog sa Reed Bank o Recto Bank.

Sinabi pa ni Locsin na nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang dalawang bansa kung saan nagkaroon sila ng parehong conclusion na ang Chinese vessel ang may kasalanan.

Subalit ang DOJ umano ang dapat magdetermina kung magkano ang kompensasyon na dapat na matanggap ng mga mangingisda.

Inamin naman ng kalihim na mahirap i-determina ang tungkol sa kompensasyon, dahil ang bangka ay pag-aari ng isang kumpanya kaya kanino umano ibibigay ang pera sa kumpanya o sa mga mangingisda.

Tiwala naman si Locsin na sa lalong madaling panahon ay maglalabas ang DOJ kung magkanong halaga ang matatanggap nilang kompensasyon.

NIlinaw naman niya na ang insidente ay hindi kasalanan ng gobyerno ng China dahil ang Chinese vessel ay isang pribadong kumpanya.

FISHING BOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with