^

Bansa

Poe: Hangga't di 'itinatama' ang Meralco bills, huwag muna magbayad

James Relativo - Philstar.com
Poe: Hangga't di 'itinatama' ang Meralco bills, huwag muna magbayad
Inaayos ng Meralco lineman ang poste ng kuryenteng ito sa Barangay 828, Maynila, matapos masira sa kalagitnaan ng lockdown kontra-coronavirus disease (COVID-19).
The STAR/Miguel de Guzman

Mga konsumer huwag raw muna sanang putulan ng kuryente

MANILA, Philippines — Hinikayat ng isang senador ang mga consumer ng kuryente na huwag munang bayaran ang sinisingil ng kumpanyang Manila Electric Co. (Meralco) habang ipinatatama ang singilin sa kasagsagan ng lockdown buhat ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nabulaga kasi ng nagtataasang electric bills ang mga customer, matapos dumoble ang sinisingil sa kanila ng power distributor. Gaya na lang ng nakapanayam ng ABS-CBN, na lagpas P5,000 ang bill kahit electric fan, telebisyon at rice cooker lang ang appliances sa bahay.

"We ask Meralco to issue a final and correct billing based on accurate meter reading of the actual kilowatt-hour consumption," sabi ni Sen. Grace Poe sa isang pahayag, Lunes.

"Until such accurately updated bill indicating exact staggered due is received by customers, it is proper that they hold off payment."

Marso nang suspendihin ng Meralco ang kanilang pisikal na pagbabasa ng mga metro, kaugnay na rin ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Dahil dito, imbis na physical reading ay inestima ang electricity consumption sa pamamagitan ng "average consumption sa nakalipas na tatlong buwan," alinsunod na rin sa panuntunang inilatag ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Aminado naman ang Meralco na lampas doble ang sinisingil nila ngayon sa mga consumer, pero dahil daw ito sa: 

  • mas mataas ng paggamit ng kuryente habang naka-lockdown ang mga tao sa bahay, dahilan para buksan lagi ang mga electric fan at air conditioning unit
  • record-high na init ng temperatura
  • "actual consumption minus estimated consumption was added in the May bill"

"As part of the ECQ period, some March and all April bills were estimated based on the past three months’ average daily consumption, following the Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR) issued by the ERC," sabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Bago mag-ECQ, anim hanggang walong oras lang daw binubuksan ang aircon. Pero simula nang mag-quarantine, umaabot daw ng 12 hanggang 24 oras kada araw ang paggamit dito.

Bagama't ikinalulugod ni Poe ang pagpapaliwanag, sobra-sobrang perwisyo raw ang idinulot nito, lalo na't maraming nawalan ng trabaho't nabawasan ng kinikita habang lockdown.

Dapat din daw mangako ang Meralco na hindi puputulan ng kuryente ang mga consumer habang inaayos ang singil kung hindi muna makakapagbayad.

"As the company sorts out our billings, they should keep our lights on as uninterrupted power supply is crucial to run life-saving equipment in hospitals and to keep people connected," sabi pa ng senadora.

"Malasakit ang panawagan ng ating mga kababayan sa gitna ng patong-patong na pagsubok at bayarin."

Marso pa lang nang manawagan ang grupong Defend Jobs Philippines ng "zero collection" sa singil ng kuryente, habang no-work-no-pay ang pagkarami-raming manggagawa.

Ika-1 ng Mayo nang sabihin ng economic think tank na IBON Foundation na aabot sa 19 milyong empleyado't manggagawa ang naantala ang pagtratrabaho dahil sa pagpapatupad ng ECQ.

ELECTRICITY BILL

GRACE POE

LOCKDOWN

MERALCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with