Pagbubukas ng klase nilinaw
MANILA, Philippines — Maaari nang magbukas ng klase kahit anong oras ang mga higher education institutions (HEIs) kung gagamit sila ng “full online education” o hindi papupuntahin ang mga estudyante sa mga eskuwelahan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) tungkol sa pagbubukas ng klase na ibabase sa education delivery mode.
Ang mga institusyon na hindi magkakaroon ng “face-to-face o in person mode” ay malayang magbukas ng klase anumang petsa. Pero ang gagamit ng flexible learning ay maaari lamang magbukas sa Agosto.
Ang mga HEIs naman na mas marami ang oras na kailangang magtungo sa paaralan ang mga estudyante ay hindi papayagang magbukas ng mas maaga sa Setyembre 2020 sa mga lugar na nasa general community quarantine.
- Latest