^

Bansa

EO sa ‘Balik Probinsiya’ nilagdaan ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 114 na nagi-institutionalize ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program.

Layunin ng programa na mabawasan ang mga mamamayang nagsisiksikan sa Metro Manila.

Sa ilalim ng EO, itatayo ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council na pamumunuan ng Executive Sectetary at tatayong  vice chairperson ang Socio-Economic Planning Secretary.

Layunin din ng kautusan na paunlarin ang mga lalawigan upang matigil na ang paglipat ng mga taga-probinsiya sa Metro Manila.

Ang itatayong council ay inatasan na magbuo sa loob ng 30 araw ng panuntunan kung papaano ipatutupad ang kautusan kabilang ang Balik Probinsiya Framework.

Ang council din ang mangunguna sa implementasyon ng BP Program kabilang ang technical assistance sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at ng mga local government units.

Ang pondo para sa programa ay kukunin sa mga existing appropriations ng mga member agencies ng council at sa tutukuyin pang budget ng Department of Budget and Management.

vuukle comment

BALIK PROBINSIYA PROGRAM

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with