Pugot na ulo ng Chinese natagpuan sa bangka
MANILA, Philippines — Isang pugot na ulo ng dayuhan ang natagpuan sa isang bangka sa isang dalampasigan sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Col. Cirilito Sobejana ng Armed Forces of the Philippines, ang nasabing pugot na ulo ay posibleng sa nawawalang Chinese rower na si Ruihan Yu na mag-isang nag-rowing journey noong Disyembre 2019.
Sinabi ni Sobejana na ang katawan na naagnas na ay natagpuan sa bahagi ng may batuhan sa dalampasigan ng Kinapusan Island sa Brgy. Nusa-Nusa, South Ubian sa tabi ng sea craft nito noong Abril 24 na inireport ng mga residente sa 36th Marine Company pero nitong Biyernes lamang ng hapon naipaabot sa kaniyang tanggapan ang report.
Ang bangka ni Yu ay lumubog malapit sa Marshall Island na nagawa pang makapag-distress call pero nawalan ng komunikasyon ang kaniyang cellphone kaya hindi natukoy kung saan ito napadpad.
Sa report ni Colonel Arturo Rojas, Commander ng Joint Task Force (JTF) Tawi-Tawi ang, nasabing pugot ang ulo ay nakasuot ng diving suit habang ang sea craft ay kulay puti na 24 talampakan ang haba na may kulay pula at asul na stripes.
Dahil nagsisimula ng maagnas ang labi ay inilibing na ito kaagad sa nasabing isla habang ang bangka ay dinala naman sa munisipyo ng South Ubian.
- Latest