Total lockdown sa Cavite ipapatupad
MANILA, Philippines — Nakatakdang isailalim ni Cavite Governor Johnvic Remulla sa total lockdown ang buong lalawigan ng Cavite anumang araw dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Umabot na sa 159 ang nagpositibo sa buong lalawigan kung saan 21 bayan at lungsod dito ay napasok na ng nasabing virus habang dalawang bayan na lamang ang nanatiling Covid-free. Walo ang panibagong kaso na naitala at tatlo dito ay pawang senior citizen. Dahil dito, nakatakdang makipagpulong si Remulla sa lahat ng mayors ng lalawigan upang paghandain sa isasagawang full lockdown. Makikipag-usap din umano ito sa Philippine Army upang magpadagdag ng reinforcements.
- Latest