^

Bansa

Pulis na bumaril sa 'lockdown violator' kinasuhan ng homicide

James Relativo - Philstar.com
Pulis na bumaril sa 'lockdown violator' kinasuhan ng homicide
Nagtitirik ng kandila ang isang babae sa eksaktong lugar kung saan binaril ni Florendo si Ragos, isang retiradong militar na lumabag daw sa ECQ.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pormal nang sinampahan ng kaso ang pulis sa pagbaril sa isang lalaking lumabag aniya sa patakaran ng enhanced community quarantine (ECQ) ilang araw na ang nakalilipas.

Haharap sa kasong homicide si Police MSgt. Daniel Florendo matapos mapatay si dating Private First Class Winston Ragos sa isang ECQ checkpoint, Martes.

Ayon sa ulat ng News5, sasailalim sa e-inquest si Florendo matapos sampahan ng reklamo ng Quezon City Police District.

Nag-viral ang pagbaril kay Ragos, isang dating sundalo, matapos makasagutan ang ilang police trainees at kawani ng Philippine National Police malapit sa isang quarantine control point sa Pasong Putik, Quezon City.

Binaril si Ragos matapos pagbintangang bubunot ng baril, matapos paulit-ulit na utusang dumapa ng mga pulis.

'Yan ay kahit na lampas isang minuto nang nakatayo, nakatalikod at nakataas ang kamay ng napatay. Nakatalikod na siya nang barilin pa nang ikalawang beses.

Umani ng galit ng netizens, mga personalidad at human rights groups ang pagbaril kay Ragos, na aniya'y "overkill" daw sa pagharap sa isang ECQ violator sa panahaon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ipinagtanggol ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac kahapon si Florendo at sinabing ginawa lang ito ng pulisya dahil nailagay sa alanganin ang kanilang buhay.

"Sa pagkakataong iyon ay hindi naman kailangan ng warning shot at ginampanan ng ating pulis ang naaayon sa police operational procedure," sabi ni Police Brig. Gen. Bernard Banac, PNP spokeperson, sa panayam ng GMA News.

"Makikita natin na nagbigay siya ng verbal command, makailang beses siyang nagbigay ng warning subalit nagbigay pa rin ng mga provocative na mga galaw 'yung suspek."

Kinumpirma ng Philippine Army na na-discharge noon sa serbisyo si Ragos noong Nobyembre 2017 matapos ma-diagnose ng Post Traumatic Stress Disorder at Schizoprenia.

Huling na-destino si Ragos sa Marawi, kung saan nakasagupa ng mga pwersa ng gobyerno ang Maute at Abu Sayyaf, na una nang nanumpa ng katapatan sa Islamic State. — may mga ulat mula sa News5

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa ulat na ito

DANIEL FLORENDO

HOMICIDE

WINSTON RAGOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with