^

Bansa

9 na preso ng BJMP positibo sa COVID-19

Philstar.com
9 na preso ng BJMP positibo sa COVID-19
Litrato ng siksikang penal facility sa Maynila.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa nakamamatay na novel coronavirus (COVID-19) ang siyam na inmates ng Bureau of Jail Management and Penology, pahayag ng kanilang tagapagsalita, Biyernes.

Ang balita ay kinumpirma ni Major Xavier Solda, spokesperson ng bureau, sa Philstar.com sa isang text message.

Una nang sinabi ng BJMP noong ika-9 ng Abril na nagtayo na sila ng isolation facility sa Lungsod ng Quezon matapos mamatay sa pinaghihinalaang COVID-19 ang isang preso noong ika-25 ng Marso.

Matapos noon, 17 persons deprived of liberty tuloy ang inihiwalay sa iba pa matapos magsagawa ng conTact tracing. Sa bilang na 'yon, siyam ang nagpositibo sa virus.

"Lahat ng ating personnel na nakatalaga sa Quezon City Jail ay sinuri na. nasa 40 sila at na-swab na natin sila," sabi ni Solda sa Inggles.

Maliban sa kanila, sumailalim din sa testing ang karagdagang 21 inmates.

Pagtitiyak pa ni Solda, ite-test din para sa COVID-19 ang mga nagpapakita ng sintomas para malaman ang lawak ang posibleng hawaan.

Magsasagawa rin daw ng "random sampling" ang kanilang bureau sa inmates ng QC para ma-double check ang sitwasyon ng mga nakakulong.

Samantala, nanawagan naman si Interior Undersecreary Jonathan Malaya sa mga local government units na isama na sa "mass testing" ang kani-kanilang city at municipal jails.

Pagpapalaya ng preso?

Ilang grupo, kasama na si Sen. Leila de Lima, ang patuloy na nananawagan para sa pagpapalaya ng mga matatanda, may sakit at bulnerableng mga nakakulong lalo na't delikado silang madapuan ng sakit.

Ika-8 naman ng Abril nang hilingin ng ilang preso sa Korte Suprema na mapalaya sila habang ipinatutupad ang state of public health emergency, lalo na't ikinatatakot nila ang paglobo ng COVID-19 fatalities sa loob ng kulungan kung saan dikit-dikit ang mga inmates.

"Hinihiling ng mga petitioners ang patas na pagkakataon para malampasan ang matinding tama ng COVID-19 outbreak sa mga espasyong siksikan at kulang sa kalinisan at serbisyong medikal," sabi sa kanilang plea.

Binubuo ng mga political prisoners at detainees ang mga nasabing petitionere, na pare-parehong matanda, may sakit o buntis.

Aniya, "halos imposible" ang social distancing sa mga lugar kung saan sila nakakulong.

Pero ayon kay Solda, kakailanganin pa magsagawa ng mga pag-aaral kung saklaw pa rin ito ng batas kahit na suportado niya ang pagpapaluwag ng mga karsel.

Kasalukuyang nasa 534% na ang congestion rate ng 467 kulungan ng BJMP, ayon sa tala ng International Committee of the Red Cross noong ika-19 mng Marso, 2020.

Magsasagawa naman ng en banc session ang Korte Suprema ngayong Biyernes kung saan tatalakayin nila ang hiling ng mga inmate para sa pansamantalang kalayaan. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

NOVEL CORONAVIRUS

XAVIER SOLDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with