Higit 4K stranded construction workers tatanggap ng food assistance
MANILA, Philippines — Umpisa sa linggong ito, makakatanggap na ng food assistance ang mahigit 4,000 construction workers na na-stranded sa mga barracks ng kanilang job sites matapos abutan ng lockdown.
Ayon kay Construction Workers Solidarity (CWS) Partylist Rep. Romeo Momo Sr., mayorya sa mga stranded na obrero ay sa Metro Manila, Region IV A at Region IV B gayundin sa Central Luzon na inabutan ng lockdown at nabigong makauwi sa kanilang mga probinsya.
Si Momo ay kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na nagdonasyon ng dalawang buwang suweldo upang ipandagdag sa pondo sa pagbili ng mga food items sa mga stranded na manggagawa.
“They are the so-called ‘stay-in’ in their construction sites. Mayroon silang barracks doon at lingguhan lang sila kung umuwi sa kani-kanilang bahay o pamilya. While those who are from far provinces only leave the job sites after finishing the project,” anang mambabatas.
Sinabi ni Momo na dahil sa quarantine ay sinuspinde ang construction projects at bunga nito ay nawalan ng suweldo at kabuhayan ang mga construction workers na naiwan sa kanilang job sites.
Ang nakakalungkot anya, ilan sa kanilang mga employers ay tila inabandona na sila at hindi na inalam pa ang kanilang kalagayan.
- Latest