DOE tiniyak ang maayos na power supply sa Iloilo
MANILA, Philippines — Siniguro ng Department of Energy (DOE) na mararamdaman na ang tuloy tuloy at de-kalidad na serbisyo sa power sector sa Iloilo City resulta ng pag-ooperate ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power) na gugugol ng P1.8B sa kanilang modernization program.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, ngayong bago na ang nangangasiwa sa supply ng kuryente sa Iloilo City ay asahan din ang magandang pagbabago mula sa dating 96 taong pamamalakad ng Panay Electtic Company (PECO).
Sinabi naman ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan na maganda ang operasyon ng More Power at pagkalipas ng umiiral na Enhanced Community Quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019(COVID 19) ay magkakaroon muli ng validation work sa inilatag nitong modernization program.
Ipinaliwag ni More Power President at Chief Operating Office Roel Castro na target ng kanilang roll out program na mapababa ang singil sa kuryente.
Sa datos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ay nasa 9.03% ang system losses ng PECO noong 2019 na mataas sa itinatakda na 6.5% kaya target ngayon ng More Power na pababain ito sa pamamagitan ng nakatakdang pagpapalit ng mga bagong electric meters at faulty lines na nagdudulot ng mataas na system losses.
- Latest