2 PUIs sa Cavite pumanaw
MANILA, Philippines — Dalawa pang persons under investigation (PUIs) na nagpositibo sa COVID-19 ang naidagdag sa mga namatay sa lalawigan ng Cavite.
Nabatid na isang 64-anyos na ginang ng Alfonso, Cavite, na umano’y asawa ng isang dayuhan na dumating sa bansa noong Marso 5 ang naunang nasawi bago pa man lumabas ang kanyang COVID test na positibo sa virus kahapon.
Sinabi ni Mayor Randy Salamat, dumating sa bayan ng Alfonso ang ginang noong Marso 5 mula sa United Kingdom kung saan wala pang deklarasyon ng gobyerno na community quarantine. Na-admit ito sa ospital noong Marso 21 at namatay Marso 22.
Mayroon pa umano silang walong PUI na nagpapakita ng sintomas at may travel history sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19, at may 1,083 PUM mga residente na nagmula sa ibang lugar.
Samantala, pumanaw na rin ang isa pang nagpositibo sa COVID sa bayan naman ng Naic.
Ayon kay Mayor Juanio Dualan, pumanaw na ang isa nilang PUI bago pa man lumabas ang resulta nito na positibo sa COVID-19.
Matatandaan na nagpositibo rin ang mismong alkalde matapos na magpa-swab testing kaya naka-self quarantine at nagpapagaling.
Ipapatupad na ang extreme enhanced community quarantine o total lockdown sa apektadong barangay sa Naic at Alfonso.
- Latest