39 health workers sa Heart Center, PUIs
MANILA, Philippines — Nasa 39 health workers sa Philippine Heart Center ang Patient Under Investigations (PUIs) ngayon at kailangang isailalim sa self-quarantine matapos ma-expose sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sinabi ni dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janeth Garin na dumarami sa hanay ng mga healthcare workers ang nagiging PUI.
Anya, napipilayan ang ating mga ospital tulad na lang ng Philippine Heart Center at naapektuhan ng matindi ang outpatient department, catherization laboratories at operating rooms.
Dahil dito, muling kinalampag ni Garin ang Department of Health (DOH) na magtalaga na ng mga hospital para gumamot sa mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19.
“We can tap the Lung Center of the Philippines. Kung hindi talaga magawan ng paraan, we have the Philippine Blood Center or even the Quezon Institute to serve Metro Manila,” wika niya.
Aniya, ang budget para sa COVID-19 response ay mas masinop na magagamit. Dahil kung may dedicated hospital ay maibubuhos ang budget dito tulad ng pagbili ng testing kits, mga ventilator, gamot, Personal Protective Equipment (PPEs) at iba pa.
- Latest