^

Bansa

Mga pari pinagsusuot ng face mask sa komunyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsusuot ng face masks ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga pari at iba pang ‘communion ministers’ tuwing magsasagawa ng komun­yon bilang bahagi pa rin ng pag-iingat sa posibleng pagkalat ng 2019 coronavirus (COVID-19).

Nilagdaan nina CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang Circular No. 20-10 na naka-address sa mga Obispo at Diocesan Administrators bilang regulasyon ng Simbahang Katoliko kaugnay ng naturang virus. Inilabas ang kautusan nitong Marso 10.

Bukod dito, pinaalalahanan din ang mga ‘communion ministers’ na mag-sanitize ng kanilang mga kamay bago at pagkatapos magbigay ng komunyon.

Hindi naman inaalis ng CBCP ang patuloy na pagtanggap ng mga mananampalataya ng komunyon sa pamamagitan ng kanilang kamay.

Hindi rin muna lalagyan ng Holy Water ang mga lalagyan sa simbahan habang ang mga kumpisalan ay pinalalagyan ng mga tela sa rehas o grills.

Una nang naglabas ng panuntunan ang simbahan na ang mga masama ang pakiramdam ay huwag nang dumalo sa mga misa at sa halip ay sa radyo, telebisyon o sa social media na lamang tumunghay nito bilang bahagi ng kanilang pananampalataya.

vuukle comment

CBCP

ROMULO VALLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with