Siksikang bus pagbabawalan ng LTFRB dahil sa COVID-19 threat; utos binatikos
MANILA, Philippines — Hindi muna pahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga mala-sardinas sa siksikang bus sa gitna ng pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Martin Delgra, chairperson ng LTFRB, dati nang pinagbabawalan ang sobra-sobrang pasehero ngunit maghihigpit sila ngayong ibinaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "state of public health ememrgency."
"[M]edyo pinapayagan [ang pagtayo sa bus], pero pagbabawalan natin ang overcrowding lalo na't may national emergency," ani Delgra sa Inggles noong Martes.
"Sinasabihan natin ang operators at drivers: bawal ang siksikan."
Umabot na sa 49 ang tinamaan ng COVID-19 simula nang pasukin ng virus ang Pilipinas.
Nasa 113,702 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling tala ng World Health Organization — 4,012 na sa kanila ang namamatay.
Ayon sa LTFRB Memorandum Circular 2020-005, na nagtitiyak diumano sa "ligtas na public land transportation" sa gitna ng COVID-19, kinakailangang gawin ang sumusunod:
- pagsusuot ng face mask ng lahat ng tsuper at kunduktor ng public utilitiy vehicles
- pagtitiyak ng terminal operators na malinis ang kanilang lugar
- pagbibigay ng libreng face mask sa mga pasahero, maliban sa pagpapagamit ng disinfectant at sanitizer dispensers
Malaon, inamyendahan nila ang circular para idagdag ang sumusunod:
- matinding paglilinis ng PUV operators sa kanilang fleet bago at matapos bumiyahe para maiwasan ang hawaan ng COVID-19
- paglalagay ng COVID-19 hotline numbers ng attached agencies at local government units (LGUs), pati na ang contact ng Department of Health sa (02) 8-651-7800 loc. 1149-1150
- pagtuturo sa mga tsuper at kunduktor kaugnay sa mga sintomas ng COVID-19
- oras na makakita ng posibleng infection, dapat itong iulat sa Department of Transportation, LTFRB, DOH, pinakamalapit na LGU at PNP
Kaya ba maipatupad?
Matapos ilabas ang utos, sabay-sabay nagpaskil ng mga litrato ang ilang commuters hinggil sa dinadanas nila sa loob ng mga bus.
— ?°?????? (@wils01thegreat) March 10, 2020
Ingat tayong lahat. pic.twitter.com/WXFjbykSo2
— Florence (@DiwataFlorence) March 10, 2020
Dahil sa dami ng siksikang bus sa Kamaynilaan, kwinestyon tuloy ng Twitter user na si @kakwentuhan kung paanpo ito maipatutupad.
"Paano 'yan mapatutupad? Magkakaroon ba ng field marshals para mabantayan ang pagsunod nila? Baka naman maganda lang ang probisyon sa papel?" sabi niya.
How can this be implemented? Will there be field marshals to check the compliance? Or is this provision only good on paper?
— kakuwentuhan (@kakuwentuhan) March 10, 2020
Para naman kay @Reind_Vill, dagdag pasakit lang ang idudulot ng utos ng LTFRB lalo na't dati nang hirap na hirap sumakay ang mga pasahero.
Manhid kayong taga LTFRB. Wag kayong forever tanga. Halos hindi nga kami makauwi sa siksikan at habulan, ano pang hirap gusto nyo. Mga inutil lang naman kayo sa mga problemang di nyo kayang lutasin.
— Rain Villa (@Reind_Vill) March 10, 2020
Sa kabila nito, sinabi ng ilang mananakay na sana'y ganito ang kalakaran kahit walang kumakalat na virus.
Dapat kahit walang virus ganyan na din kaya marameng aksidente sa kalsada eh .. Pati mga pasahero di rin safe ..
— Thezka Dela Cruz ????????? (@Thezkadlwlrma) March 10, 2020
Hopefully they keep this practice even after the coVID issue has been addressed!
— Anne (@phillyanaconda) March 11, 2020
'Mass transport crisis'
Ayon naman kay Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), lalo lang magiging tampok ang problema sa transportasyon ng Pilipinas ngayong inilabas nila ang utos na ito.
"Maha-highlight lang uli ng order na ito na meron tayong mass transport crisis sa bansa," sabi ni Reyes sa panayam ng PSN.
Bukod sa "unimplementable," sinyales lang daw ito na nagbibida-bida ang LTFRB.
Hinaing ng BAYAN, imposibleng hindi mapuno ang mga bus lalo na't "kulang-kulang ang mass transport sa simula't simula."
Oktubre taong 2019 nang sabihin ni Reyes na may mass transport crisis ang Pilipinas bunsod ng kakulangan ng mga tren na maghahatid sa mga estudyante't nagtratrabaho.
Matatandaang sunud-sunod ang pagkasira ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 noong buwan na 'yon, na naging malaking perwisyo sa mga commuter.
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin operational ang Santolan, Katipunan at Anonas station ng LRT-2 matapos masunog noong ika-2 ng Oktubre. — may mga ulat mula kay The STAR/Neil Servallos
- Latest