^

Bansa

7K trabaho naghihintay sa mga Novo Ecijanos

Pilipino Star Ngayon
7K trabaho naghihintay sa mga Novo Ecijanos
Bago mag-apply sa call center ang mga Novo Ecijanos, bini­bigyan muna ng call center training ng pamahalaan ng Palayan City ang mga aplikante lalo na sa English proficiency.

MANILA, Philippines — Inihayag ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas na naghihintay ngayon ang libu-libong trabaho sa mga taga-Nueva Ecija dahil sa ginagawang recruit­ment ng Sutherland Global Services (SGS) na kasalukuyang tenant ng BPO 1 building sa Palayan City Business Hub (PCBH).

Sinabi ni Cuevas na, sa ngayon ang SGS ay nag-o-operate sa ground floor at second floor ng BPO1 Bldg sa PCBH.

Ang ground floor ay nagsisilbing SGS recruitment, training at amenities center habang ang second floor naman ang first production floor na may 350 seats na nakapag-hire na ng tinatayang 600 call center agents.

Sinimulan na rin ng SGS ang ‘fitout works’ para sa 3rd at 4th floor ng nasabing gusali at magkakaroon ito ng total seat capacity na mula 700 hanggang 750 seats.

Inaasahan ng Alkalde na  sa sandaling mapuno ang full capacity ng Hub ay aabot sa 7,000 trabaho ang magiging available para sa mga Palayanos at Novo Ecijanos.

Sinabi ng alkalde, ang extensive recruitment at training ay dapat na isagawa upang maihanda ang mga kakailanganing ahente para sa mga naturang call center operations.

Inorganisa na rin Mayor Cuevas ang barangay campaign na pinamumunuan ng PESO office at ng Palayan City Business Hub training team upang matukoy ang mga individual sa kinakailangang trabaho.

Ang mga naturang aplikante ay isasailalim sa pagsasanay, kasunod ng training requirements para sa call center company, upang matulungan silang mag-qualify para sa job requirement.  Sa panahon ng training period, na inaasahang aabutin ng mula 15 hanggang 21- working days.

Kumuha na rin si Mayor Rianne ng isang foundation na magkakaloob ng daily allowance para sa mga trainees.

NOVO ECIJANOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with