^

Bansa

Prangkisa ng ABS-CBN, Mayo o Agosto na matatalakay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng pagkatapos na ng State of the Nation Address (SONA) didinggin ng House Committee on Legislative Franchises ang prangkisa ng giant network na ABS-CBN.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, dalawang opsyon ang kanilang tini­tingnan kung kailan mai-schedule ang pagdinig sa franchise ng nasabing giant network, ito ay sa Mayo o sa Agosto.

Paliwanag ni Caye­tano, maiksi lamang ang sesyon sa pagitan ng Enero hanggang Marso, gayundin sa Mayo dahil magbabakasyon na agad ang kongreso.

Ang may pinakamahaba umanong araw ng session ay ang Agosto bago ito mag-adjourn ng Nob­yembre kaya posibleng pagkatapos ng SONA o sa unang linggo ng Agosto na maisalang ang prangkisa ng ABS-CBN.

Idinagdag pa ni Ca­yetano, useless din kung diringgin nila ngayon ang pagpapalawig sa franchise ng giant network kung hindi rin naman ito maisasalang sa plenaryo kaya kung uumpisahan nila ito ay dapat na agad din tapusin.

Tiniyak naman ni Speaker na hindi magsasara ang ABS-CBN kahit na matapos ang prangkisa nila sa Marso 30 dahil makikipag-uganayan sila sa National Telecommunications Commission (NTC) habang nakabinbin sa Kamara ang usapin.

Hinihintay lamang umano nila ang “best timing” para simulan ang pagdinig dito kung saan maaaring magsalita ang lahat ng pro at anti suba­lit kailangan ay hindi ito matapatan ng mas priority at urgent bills.

PRANGKISA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with