^

Bansa

Ex-mayor, 9 pa kinasuhan ng transport group

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinampa kamakailan ng grupong Common Transport Service Cooperative sa Ombudsman ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 at grave misconduct, oppression at acts prejudicial to the best interest of the service laban kina dating Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio Hernandez at siyam pa katao.

Sinabi ng kinatawan at general manager ng natu­rang grupo na si Deltha Bernardo na nag-ugat ang kaso sa umano’y panggigipit sa kanila ng mga akusado nang lumabas ang kanilang 15 unit ng modern jeep sa ilalim ng PUV Modernization Program ng Department of Trans­portation.

Ayon kay Bernardo, sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakabili sila ng isang lupain na ginawang terminal at garahe sa San Isidro, Rodriguez. May hawak umano silang dokumento, kontrata at titulo ng lupa ng nagmamay-ari nito.

Pero pinalalabas umano ni Hernandez na pag-aari niya ang ginawang terminal ngunit wala umanong ma­ipakitang dokumento.

Hindi rin umano sila mabigyan ng permit ng kasalukuyang mayor na anak ng dating alkalde.

Idinagdag pa nito na tila mas pinaboran umano ng dating alkalde ang mga colorum na PUV sa Rodriguez.  

vuukle comment

TRANSPORT GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with