^

Bansa

DOLE nag-isyu ng guidelines sa workplace

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
DOLE nag-isyu ng guidelines sa workplace
Sa Labor Advisory No. 4 ng DOLE, inaatasan ang lahat ng employers na magbigay ng impormasyon sa kanilang mga empleya­do tungkol sa nCoV kabilang na kung paano ito naililipat; dapat na linisin ang work areas gamit ang disinfectant at tiyaking mayroong tubig, sabon at sanitizer sa mga comfort room; iwasan o bawasan ang pagkakaroon ng exposure sa mga hayop na maaring carrier ng 2019-nCoV; tiyaking nalutong mabuti ang mga pagkain sa canteen; ulit-ulitin sa mga empleyado ang mga dapat na gawin para mapanatiling malusog at malinis ang workplace at bantayan ang kalusugan ng mga empleyado lalo na ang mga may lagnat at iba pang flu symptoms.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng guidelines ang Department of Labor and Employement (DOLE) na dapat sundin ng mga empleyado at employers para maiwasan ang paglaganap ng novel coronavirus sa workplaces.

Sa Labor Advisory No. 4 ng DOLE, inaatasan ang lahat ng employers na magbigay ng impormasyon sa kanilang mga empleya­do tungkol sa nCoV kabilang na kung paano ito naililipat; dapat na linisin ang work areas gamit ang disinfectant at tiyaking mayroong tubig, sabon at sanitizer sa mga comfort room; iwasan o bawasan ang pagkakaroon ng exposure sa mga hayop na maaring carrier ng 2019-nCoV; tiyaking nalutong mabuti ang mga pagkain sa canteen; ulit-ulitin sa mga empleyado ang mga dapat na gawin para mapanatiling malusog at malinis ang workplace at bantayan ang kalusugan ng mga empleyado lalo na ang mga may lagnat at iba pang flu symptoms.

Sa mga workplace na maituturing na mayroong ‘imminent danger situations’ gaya ng sa mga health-care institutions dapat magpatupad ng screening guidelines.

Kabilang sa dapat alamin ay kung may history ba ng pagbiyahe sa China at iba pang bansang apek­tado ng nCoV ang empleyado. Kung nagkaroon ba ito ng contact sa isang taong may nCoV.

Kung mayroong maysakit na empleyado, kailangang  bigyan ng face mask ang empleyado para hindi kumalat ang sakit; agad i-isolate ang empleyado at ilagay sa well-ventilated na kwarto, malayo sa mga katrabaho; agad i-refer ang empleyado sa healthcare provider ng kumpanya o dalhin sa pinakamalapit na ospital o clinic; i-report ang kalagayan ng empleyado sa Department of Health sa number bilang 87111001 at 87111002.

CORONA VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with