^

Bansa

Pagpapalit ng liderato ng AFP pinangunahan ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagpapalit ng liderato ng AFP pinangunahan ni Duterte
Si Pangulong Duterte nang dumating kahapon para sa AFP change of command sa Camp Aguinaldo. Kasama niya si outgoing Chief Gen. Noel Clement na papalitan ni incoming AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos (naka-inset).
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinagunahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng liderato ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aquinaldo, Quezon City.

Pinalitan sa puwesto ni bagong AFP Chief of Staff Lt. Gen. Felimon Santos, ang nagretirong si Gen. Noel Clement.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na natutuwa siya na naging bahagi sa pagbibigay ng parangal kay Clement at sa kanyang “successful tour of duty” bilang chief of staff ng AFP.

Tiniyak din ng Pangulo na ipagpapatuloy niya ang suporta sa militar upang magkaroon ng mas maayos na kinabukasan ang mga mamamayan.

“To our soldiers, I assure you that you will always have my full support and confidence as we build a more stable and peaceful future for our people,” sabi ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na tiwala siyang susuportahan at makikiisa ang mga sundalo sa kanilang bagong lider na si Santos.

Nauna rito, tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maayos ang pakiramdam ng Pangulo bagaman at hindi ito nakadalo sa isang event sa Davao del Sur noong Biyernes.

Ayon pa kay Panelo, kulang lamang sa tulog ang Pangulo dahil sa dami ng kanyang trabaho.

“PRRD was under the weather for two days due to workload, attending events, and lack of sleep.  He is all right now,” ani Panelo.

Hindi natuloy ang pagbisita ng Pangulo sa mga bayan ng Palalag at Padada sa Davao del Sur na kapwa sinalanta ng nagdaang lindol.

Lumipad sa Manila ang Pangulo kamakalawa ng gabi kaya nakadalo ito sa Change of Command ceremony sa Camp Aquinaldo kahapon.

FELIMON SANTOS

PRRD

RODRIGO ROA DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with