^

Bansa

Ampatuan Bros. Guilty!

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ampatuan Bros. Guilty!
May 56 akusado ang pinawalang-sala kabilang sina Datu Akmad “Tato” Ampatuan at Datu Sajid Islam Ampatuan.
STAR/File

MANILA, Philippines — “Guilty beyond reasonable doubt!” 

Ito ang naging hatol ni Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes sa limang miyembro ng pamilya Ampatuan at 23 pa kaugnay sa Maguindanao massacre na pumatay ng 57 katao kabilang ang 32 mamamahayag.

Sa 761-pahinang promulgation of judgement kahapon na isina­gawa sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon, pinatawan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon ng walang pardon o parole sa mga kasong murder ang magkapatid na Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr. at Datu Zaldy “Puti” Ampatuan, gayundin sina Datu Anwar Ampatuan Sr., Datu Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., at Datu Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan, Manny Ampatuan, Mohades Ampatuan at Misua­ri Ampatuan.

Guilty din sina PInsp Saudi Mokamad, PO1 Jonathan Engid, Abedin Alamada alyas Kumander Bedi, Talembo “Tammy” Masukat, Theng Sali aluas Abdullah Hamad Abdullakahar, Nasser Esmael alyas Nasrudin Esmael, PCInsp Sukarno Dicay, PSupt Abusama Mundas Maguid, PSupt Bahnarin Kamaong, Tato Tampogao, Mohamad Datumanong, Taya Bangkulat, Salik Bangkulat, Thong Guiamano, Sonny Pindi, Armando Ambalgan, Kudza Masukat Uguia, Edres Kasan, Zacaria Akil at Samaon Andatuan.

Nasa 15 naman ang guilty bilang ‘accessories’ sa krimen at hinatulan ng ‘prision correccional’ o 6 hanggang 10 taong pagkakakulong. Kabilang dito sina PInsp Michael Joy Macaraeg, PO3 Felix Enate, PO3 Abidudin Abdulgani, PO3 Rasid Anton, PO2 Hamad Nana, PO2 Saudi Pasutan, PO2 Saudiar Ulah, PO1 Esprielito Lejarso, PO1 Narkouk Mascud, PO1 Pia Kamidon, PO1 Esmael Guialal, PO1 Arnulfo Soria­no, PO1 Herich Ama­ba, PSupt Abdulgapor Abad at Bong Andal.

May 56 akusado ang pinawalang-sala kabilang sina Datu Akmad “Tato” Ampatuan at Datu Sajid Islam Ampatuan.

Pinagbabayad din ang mga nahatulang guilty ng milyon-milyong halaga ng danyos sa pamilya ng bawat biktima ng masaker maliban sa photojournalist na si Reynaldo Momay, ang sinasabing ika-58 biktima, makaraang hindi matagpuan ang kanyang bangkay.

Umaabot pa sa 80 suspek ang at-large kaya iniutos ni Judge Reyes ang pag-aresto sa mga ito.

Matapos ilabas ang desisyon, nagbunyi ang mga naulila ng masaker kahit pa 10 taon silang naghintay ng hustisya.

Ang pagbaba ng hatol ay makaraan ang 10 taon matapos na maganap ang karumal-dumal na krimen noong Nobyembre 23, 2009. 

Maghahain lang sana ng kandidatura sa pagka-gobernador si ngayo’y Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu nang harangin ang convoy ng kanyang pamilya.

Dinala ang mga biktima sa isang lugar kung saan sila niratrat ng mga armadong grupo sa utos ng mga miyembro ng Ampatuan clan, na balak sanang harangin ang pagkandidato ni Mangudadatu. 

Matapos na pagbabarilin, tinabunan ng lupa gamit ang payloader ang mga bangkay upang maitago ang krimen.

Nagpahayag naman ang mga abogado ng mga hinatulang guilty na aapela sila sa korte sa loob ng 15 araw.  

Ang Maguindanao massacre ang itinuturing na pinakamalalang ‘election related violence’ at ‘single deadliest attack’ sa mga miyembro ng media.

SAJID ISLAM AMPATUAN

TATO AMPATUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with