^

Bansa

Ramdam mo ba? Unemployment rate 'record low' sa 4.5%

Philstar.com
Ramdam mo ba? Unemployment rate 'record low' sa 4.5%
Napag-alaman ding mas maraming unemployed ang lalaki (61.4%) kumpara sa kababaihan (38.6%) sa nakalipas na buwan.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Natapyasan ang porsyento ng mga walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa huling ulat ng gobyerno ngayong Huwebes.

Mula sa 5.4% noong Hulyo, sinabi ng Philippine Statistics Authority na nabawasan pa ito — 4.5% na lang para sa Oktubre 2019.

Ayon sa Trading Economics, ito na ang "lowest on record" na unemployment rate, na malayo sa 13.9% all-time high noong unang kwarto ng 2000.

Napag-alaman ding mas maraming unemployed ang lalaki (61.4%) kumpara sa kababaihan (38.6%) sa nakalipas na buwan.

Sa lahat ng mga rehiyon, narito ang limang may pinakamalaking porsyento ng walang trabaho:

  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (6.6 %)
  • Calabarzon (5.8%)
  • Ilocos Region (5.2%)
  • Caraga (4.6%)
  • National Capital Region (4.6%)

Sa hanay ng youth sector, napag-alaman ding 12.8% ang unemployment rate.

Mas mataas naman ang bilang ng mga kabataang wala na ngang trabaho, hindi na nga nag-aaral at hindi pa sumasailalim sa pagsasanay (Not in Employment, Education and Training) —  17.1%.

Porsyento ng may trabaho 'tumaas din'

Noong nakaraang buwan, sinasabing 95.5% naman ng kabuuang labor force ang kasalukuyang may trabaho.

Mas mataas ang bilang na 'yan kumpara sa 94.9% na employment rate noong parehong buwan ng 2018.

Pinakamataas ang porsyento ng may empleyo sa Zamboanga Peninsula na nakakuha ng 98.1% habang kulelat ang BARMM na nay 93.4%.

Lumalabas din na 68.7% ang may full-time na trabaho habang 30.5% naman ang nagtratrabaho ng part-time.

Pumapalo naman sa 41.8 oras kada linggo ang karaniwang inilalaan na oras ng mga empleyado sa bansa, mas mababa sa 42.8 oras noong 2018.

Pumapatak naman sa 14.9% ng kabuuang bilang ng kumakayod ang kabataan.

EMPLOYED

JOBLESS

JOBS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with