^

Bansa

PUV drivers ‘di puwedeng mamasada ng 12 oras

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PUV drivers ‘di puwedeng mamasada ng 12 oras
Sa House bill 1768 ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, paparusahan ang mga dri­ver na mapapatuna­yang pumasada sa loob ng 12 oras sa loob ng 24 oras.
Luis Raymund Villafuerte Jr. FB Page

CAMARINES SUR, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang mas mahigpit na parusa sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs) na mamamasada sa loob ng 12 oras o higit pa.

Sa House bill 1768 ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, paparusahan ang mga dri­ver na mapapatuna­yang pumasada sa loob ng 12 oras sa loob ng 24 oras.

Paliwanag ni Villafuerte, isang dahilan din ng mga aksidente sa kalsada ay over fatigue ang driver na nagdudulot ng pagkahilo, lalo na kung long drive at nawawalan sila ng konsentrasyon lalo na sa gabi.

Sa pamamagitan umano ng panukala ay mababawasan ang aksidente sa kalye at magkakaroon ng sari­ling disiplina ang mga driver.

Bukod sa mga driver, paparusahan din ang mga kumpanya o ins­titusyon na papayagan ang kanilang mga dri­ver na magtrabaho ng walang pahinga o shifts.

Ganito umano ang ginagawa ng mga pampasaherong bus dahil sa mga turista nila kaya umaabot sa 13 oras ang biyahe mula Metro Manila patungong Camarines Sur.

CAMARINES SUR

HOUSE BILL 1768

LUIS VILLAFUERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with