^

Bansa

Banta ng bagyong 'Kammuri' nagbabadya sa SEA Games opening

James Relativo - Philstar.com
Banta ng bagyong 'Kammuri' nagbabadya sa SEA Games opening
"[S]i bagyong 'Kammuri' ay patuloy na kikilos pa-westward, at by Saturday ng umaga itong gitna ng bagyo ay malapit na po sa boundary line ng Philippine Area of Responsibility," sabi ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglapit sa bansa ng Tropical Storm Kammuri ilang araw bago magsimula ang ika-30 Southeast Asian Games sa Sabado.

"[S]i bagyong 'Kammuri' ay patuloy na kikilos pa-westward, at by Saturday ng umaga itong gitna ng bagyo ay malapit na po sa boundary line ng Philippine area of responsibility," sabi ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA.

Kaninang madaling araw, natagpuan ito 1,950 kilometro silangan ng Visayas sa labas ng PAR.

Nagtataglay ito ng hanging may lakas na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugsong 105 kilometro kada oras.

Matulin naman ang pagkilos nito sa bilis na 35 kilometro kada oras pakanluran.

"Kapag ito'y nasa loob na ng ating Philippine area of responsibility, tatawagin natin itong 'Tisoy,'" dagdag ni Aurelio.

Samantala, naaapektuhan pa rin ng Hanging Amihan sa silangang bahagi ng Luzon habang nasasasapul naman ng Intertropical Convergence Zone ang Visayas at Palawan.

Dahil sa ITCZ, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang:

  • Visayas
  • Northern Mindanao
  • Caraga
  • Palawan

Dahil naman sa Amihan, makararanas ng maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan sa:

  • Cagayan Valley
  • Cordillera
  • Bicol
  • Aurora
  • Quezon

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.

vuukle comment

KAMMURI

PAGASA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TISOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with