^

Bansa

Bagyong Sarah nasa PAR na kahit may Typhoon Ramon pa; storm surge ibinabala

James Relativo - Philstar.com
Bagyong Sarah nasa PAR na kahit may Typhoon Ramon pa; storm surge ibinabala
"Possible po 'yung storm surge within the next 24 hours dito sa may... coastal areas ng La Union and Pangasinan, at ang taas nito ay hanggang dalawang metro," dagdag ni Estareja.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Dalawang bagyo ang kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Bandang alas-dos ng hapon nang tuluyang maging tropical depression ang noo'y low pressure area na natagpuan 710 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-kwatro.

Ayon sa weather bureau, nagtataglay ito ng hanging may lakas na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pahilagangkanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.

"Inaasahan nga din natin na by tomorrow na si Bagyong Sarah ay lalakas pa bilang tropical storm," sabi ni Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA.

Samantala, nakita naman ang Typhoon Ramon 120 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan ngayong hapon, na may lakas na aabot ng 120 kilometro kada oras malapit sa mata.

May pagbugso itong aabot ng hanggang 165 kilometro kada oras at halos hindi gumagalaw.

"Pagsapit naman ng Thursday afternoon, ito pong si 'Ramon' ay nasa labas na ng ating area of responsibilty bilang isang low pressure area," wika pa ni Estareja.

Tinataya pa rin na magla-landfall sa Babuyang Islands ang Bagyong Ramon mula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.

TCWS, daluyong

Sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Ramon, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa mga sumusunod na lugar:

  • hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga at Santa Ana)

Signal no. 2 naman sa:

  • Batanes
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur 
  • nalalabing bahagi ng Cagayan

Nakataas naman ang signal no. 1 sa:

  • hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
  • Mountain Province
  • Benguet
  • Ifugao
  • La Union
  • Pangasinan

Wala namang TCWS dulot ng Bagyong Sarah.

Samantala, pinag-iingat naman ang ilang lugar sa daluyong bunsod ng bagyo.

"Possible po 'yung storm surge within the next 24 hours dito sa may... coastal areas ng La Union and Pangasinan, at ang taas nito ay hanggang dalawang metro," dagdag ni Estareja.

PAGASA

RAMON

SARAH

STORM SURGE

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with