^

Bansa

P55 milyong ‘kaldero’ sa SEA Games kinuwestiyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P55 milyong ‘kaldero’ sa SEA Games kinuwestiyon
Si Senate Minority Leader Franklin Drilon habang kausap si Sen. Bong Go matapos mag-debate sa ple­naryo kaugnay sa P55 milyong halaga ng “kaldero” na gagamitin sa SEA Games. Nakamasid naman si Senate President Tito Sotto.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon kaha­pon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paglalaan ng gobyerno ng P55 milyon para sa isang kaldero o cauldron na gagamitin sa torch lighting ceremony sa Southeast Asian Games ngayon 2019.

Ayon kay Drilon, ang nasabing halaga ay maaari nang magamit sa pagtatayo ng 50 silid aralan.

“We do away with 50 classrooms to build a P50-million kaldero that we use only once? I am not even talking about overpricing. I’m talking about propriety,” sabi ni Drilon.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang pondo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), ipinaliwanag ni BCDA head Vince Dizon na ang konstruksyon ng cauldron ay magiging simbolo ng Pilipinas sa SEA Games.

Ang nagdisenyo ng nasabing kaldero ay ang namayapang Filipino architect na si Francisco “Bobby” Mañosa.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, ang design cost ay umabot sa P4.4 milyon samantalang ang pundasyon ng kaldero ay P13.4 milyon. Ang pagtatayo naman ay umabot sa P32 milyon.

Sabi pa ni Angara na nais ng gobyerno na maging kapuri-puring host ng games ang Pilipinas at maipakita ang “ingenuity” at creative designers ng bansa.

KALDERO

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with