^

Bansa

'4-day work week magpapababa sa productivity kung maisasabatas'

James Relativo - Philstar.com
'4-day work week magpapababa sa productivity kung maisasabatas'
Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, bawasan man ang araw sa pagkayod ay grabe raw ang pagod sa katawan kung lagpas 10-oras pataas na ang kailangang iguguol sa trabaho — maliban sa commute araw-araw.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Imbis na makabuti raw sa mga manggagawa't empleyado, maaaring makasama pa raw sa produktibidad at kalusugan ang kasalukuyang plano na bawasan ng isang araw ang working days sa isang linggo. 

Noong nakaraang linggo, matatandaang umapela sa Palasyo si House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na pag-aralan ang pagpapatupad ng four-day work week para sa ilang ahensya ng gobyerno bilang tugon sa matinding trapiko.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, bawasan man ang araw sa pagkayod ay grabe raw ang pagod sa katawan kung lagpas 10-oras pataas na ang kailangang iguguol sa trabaho — maliban sa commute araw-araw.

"'Di lang yan sampung oras, you count into that the hours used to prepare for and travel to work. So, in a day you could be spending not less than 12 hours for work. Sa malalang lagay ng transportasyon sa bansa, duda po ako na it could be less than that," wika ni Gaite.

Ilan sa mga iminumungkahing ahensya na maging saklaw nito ang Bureau of Internal Revenue, Social Security System at Philippine Overseas Employment Administration, na pare-parehong may opisina sa kahabaan ng EDSA.

Lagpas otso-oras na trabaho

Pinag-usapan ngayong araw ng Subcommittee on Labor Standards ang House Bill 1670 ni Deputy Speaker Lray Villafuerte at HB 1904 ni Baguio Rep. Mark Go.

Layon ng panukala ni Villafuerte na hayaan ang pagkakaroon ng "alternative working arrangements" at "flexible working arrangements," kung kaya't pwedeng pumasok anumang oras ang empleyado basta't makumpleto ang kinakailangang oras.

Bagama't sinasabing 48 oras ang maximum na working hours kada linggo, pwede naman daw pahabain ang kasalukuyang walong oras kada araw na trabaho depende sa agarang pangangailangan.

Sa HB 1904 naman ni Go, hanggang walong oras lang daw dapat ang normal na haba ng trabaho, maliban na lang kung magpatupad ng "compressed work week" ang isang kumpanya.

Pwedeng mas kaonti sa anim na araw ang trabaho ng mga magpapatupad ng compressed work week, ngunit 'di pwedeng lumampas ng 48-oras kada linggo ang trabaho.

Papayagan ang hanggang tatlong araw na pahinga kada linggo para sa mga may compressed work week, dahilan para pahintulutan ang apat na araw na pasok na may trabahong lalagpas ng walong oras kada araw.

Kung lagpas sa 48-oras ang tratrabahuhin ng may compressed work week, saka pa lang siya mababayaran ng overtime pay.

Kasalukuyang 40-oras kada linggo lang ang regular na haba ng trabaho para sa mga tanggapan na may limang araw na pasok.

'Kulang na tulog, sobrang trabaho'

Pangamba tuloy ng Bayan Muna, lalong mababawasan ang oras ng mga manggagawa para mailaan sa mahahalagang bagay kasama ang pamilya.

"Sobrang swerte mo na kung makakakuha ka ng anim hanggang walong oras na tulog," ani Gaite.

"Mababawasan ang pagiging produktibo ng labor force na sobra-sobra sa trabaho, kulang sa bayad... kulang sa tulog."

Tanong tuloy ng mambabatas: "[N]asaan diyan 'yung sinasabing work-life balance?"

Kung maipatutupad daw ang mga nabanggit na panukalang batas, mababawi raw ang tagumpay na natamo ng mga manggagawa na lumaban para makamit ang makataong work duration.

Kasama ang eight-hour work day sa mga ipinaglaban sa makasaysayang Haymarket protests ng 1886, na dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang "Labor Day" taun-taon.

"Sa ibang bansa, ang direksyon ay bawasan ang oras ng trabaho, hindi dagdagan," kanyang panapos.

4-DAY WORK WEEK

8-HOUR WORK DAY

BAYAN MUNA

LRAY VILLAFUERTE

MARK GO

WORKER'S RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with