^

Bansa

4-day work week isinulong vs trapik

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
4-day work week isinulong vs trapik
Sinabi ni House Minority leader Beinvenido Abante Jr., dapat ikonsidera ng pamahalaan ang pagpapatupad ng “work from home” sa mga empleyado lalo na kung may access sila sa internet.
AFP/File

MANILA, Philippines – Umapela sa Malacañang ang House minority na pag-aralan ang implementasyon ng “Work from Home” at 4-day work week” para sa ilang ahensiya ng gobyerno na inaasahang makakatulong para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Sinabi ni House Minority leader Beinvenido Abante Jr., dapat ikonsidera ng pamahalaan ang pagpapatupad ng “work from home” sa mga empleyado lalo na kung may access sila sa internet.

Paliwanag ni Abante, bagama’t nauna nang inirekomenda ng Civil Service Commission (CSC) ang apat na araw na trabaho ay optional naman ito kaya, mungkahi niya ay pag-aralan ito ng Palasyo na ipatupad ngayong holiday season para magsilbing trial period na rin.

Mungkahi naman ni Senior Deputy Minority leader at Marikina Rep. Bayani Fernando na gawing Mabuhay Lane ang lahat ng kalsada, na ang ibig sabihin ay linisin lahat ng kalye sa anumang obstruction tulad ng mga vendors at mga nakaparadang sasakyan.

 

4-DAY WORK WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with