^

Bansa

40 convicts na sumuko, pumuga sa Iwahig

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Nainip sa proseso ng GCTA

MANILA, Philippines — May 40 preso ng Puerto Princesa Palawan na nauna ng napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at sumuko dahil sa panawagan ni Pangulong Duterte, ang tumakas noong Sabado.

Kinumpirma ni Iwahig Prison and Penal Farm spokesperson Levy Evangelista na posibleng nainip ang mga dating preso dahil sa matagal na pagkakakulong.

Tumakas umano ang nasabing mga preso sa pamamagitan ng pagdaan sa iba’t ibang labasan at hindi sa main gate ng bilangguan.

Matagal na umanong gustong umuwi ng mga preso subalit hiniling na manatili pa rin sila sa bilangguan habang pinoproseso pa ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang mga papel.

Umapela naman si Evangelista sa mga preso na bumalik na at hintayin na ang kanilang formal release paper para maging legal ang lahat.

Matatandaan na noong Setyembre ay pinag-utos ni Pangulong Duterte na pabalikin lahat ng pinalayang preso sa pamamagitan ng GCTA at sumuko sa loob ng 15 araw bago sila ikonsiderang fugitives.

CONVICTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with