56 wagi sa Palanca Award
MANILA, Philippines — May 56 writer na kinabibilangan ng 32 first time awardees ang naging recipient sa 69th Carlos Palanca Memorial awards ngayong taong ito na idinaos sa Peninsula, Makati City noong Nobyembre 8.
Napasama rin sa Palanca Hall of Fame ang premyadong manunulat na si Lamberto E. Antonio dahil sa pagkapanalo niya ng ikalima niyang First Prize Award ngayong taong ito para sa tula niyang “Turno Kung Nokturno at iba pang Tiyempo ng Rilyebo sa Pagberso.” Panauhing Pandangal ang multi-awarded writer na si Cristina Pantoja Hidalgo.
Nanalo ng grand prize sa kategorya ng Nobela sa Filipino ang “Agaw-Anino” ni Jerking Guzman Pingol habang sa English categopry ay ang “The Bertrayed” ni Reine Arcache Melvin.
First prize naman ang “Si Etot” ni Eros Atalia sa Maikling Kuwento (Filipino Division) habang sa Short Story (English Division) ay ang James Machine ni Kathleen Osias.
Sa Kabataan Division (Sanaysay), first prize sa Filipino ang “Echo Mula sa Gatilyo” ni Marielle M. Calicdan habang sa Kabataan Essay ay first prize ang “Thoughts of Eden” ni Enrico Miguel Pe Aguirre Perez.
Matutunghayan ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa website ng Palanca https://www.palancaawards.com.ph
- Latest























