^

Bansa

Solon at riders umarangkada sa quake victims fund raising

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang isang fund raising program para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Kasabay ng pagdiri­wang ng kaarawan ni Ve­lasco, inilunsad ang “LAV ko mag-ride” kasama ang may 80 riders kabilang dito ang presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa dakong alas 6:30 ng umaga mula sa Petron Station sa South Luzon Expressway sa San Pedro, Laguna.

Matapos ang nasa­bing ride sa Quezon Na­­tional Park ay sumakay naman sila ng tatlong oras na bangka patungo sa Balanacan port sa Marinduque.

Matapos nito ay du­mi­retso naman sina Ve­­lasco at Mayor Du­terte para pangunahan ang isang gift giving activity sa Boac kasama ang mga riders para naman sa “Love LAV Love” birthday concert sa Marinduque Convention Center.

Ngayong araw ang second leg ng tour kung saan magtutungo naman sila sa century old na Sta. Cruz, Torrijos Beach at sa Boac kung saan matitikman ang masarap na kare-kare at uraro.

Bandang alas-2:30 naman ng hapon ay bumalik si Velasco at ang mga riders ng Maynila.

Inaasahan naman na magdo-donate ang mga sumali sa ride para sa mga biktima ng lindol sa Min­danao.

 

FUND RAISING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with