Senate probe sa cybersex hingi
MANILA, Philippines — Nais ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang tumataas na kaso ng cybersex sa Pilipinas kung saan mga bata ang nagiging biktima.
Ipinunto ni de Lima sa kanyang Senate Resolution No. 201 ang ulat ng anti-trafficking organization International Justice Mission kung saan, mula sa 17 kaso na naitala noong 2015, umabot ito sa 51 sa unang quarter noong 2018.
Ang edad ng mga biktima ay 12 taong gulang pababa. Ayon naman sa isang ulat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang Pilipinas na ang “epicentre” ng livestream sexual abuse trade at No. 1 na global source ng child pornography.”
Sinabi ni de Lima na labis na nakakaalarma ang nasabing ulat kaya dapat silipin ng Senado.
- Latest