^

Bansa

DOH nasa code white alert

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakataas sa code white alert ang Department of Health (DOH) ngayong Undas.

Nangangahulugan ito na lahat ng mga health facilities ng DOH sa buong bansa ay nakaalerto para sa posibleng emergency situations.

Maging ang mga me­dical staff ay nakaalerto rin at kung natapat naman sa day off nila ang naturang araw, ay dapat on call pa rin ang mga ito.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Rosette Vergeire, ang code white alert ay tatagal hanggang sa Nobyembre 2.

Samantala, may paalala naman si Health Se­cretary Francisco Duque III sa mga kababayan natin na magpupunta sa mga sementeryo upang dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa kalihim, hangga’t maaari ay huwag na sanang magsama ng mga bata o sanggol at mga matatanda lalo na ang may mga karamdaman.

Kung hindi maiiwa­san, tiyaking mababan­tayang mabuti ang mga paslit upang hindi ma­wala ang mga ito sa semen­teryo.

Maaari ring maglagay ng papel sa bulsa ang mga bata, kung saan nakasulat ang kanilang pagkakakilanlan at contact numbers.

Sa halip na bumili ng pagkain sa mga ambulant vendors ay mas makabubuti rin aniyang magdala na lamang ng baong pagkain, ngunit dapat na tiyaking maayos ang pagkakahanda rito para hindi madaling mapanis at makaiwas sa food poisoning.

Dapat rin aniyang tiyakin na magbabaon ng maraming tubig para makaiwas sa dehydration.

Ani Duque, kaila­ngang planuhing mabuti ang pagtungo sa semen­teryo, at tiyaking magdadala ng panangga sa ma­tinding init o kaya ay pag-ulan, gaya ng pa­yong, sumbrero at pamaypay.

 

vuukle comment

CODE WHITE ALERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with