Atty. Gadon sinuspinde ng SC
Sa pagmumura, pagsasalita ng malalaswa
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng 3 buwan ng Korte Suprema si Atty. Larry Gadon dahil sa paggamit ng mga mapang-abuso o offensive na lengguwahe sa kanyang pag-akto bilang abogado.
Sa resolusyon ng SC 2nd Division, nilabag umano ni Gadon ang 8.01, Canon 8 ng Code of Professional Responsibility.
Naglabas din ang SC ng babala kay Gadon na kung uulit ito ay maaari syang patawan ng mas mabigat na parusa.
Nag-ugat ito sa disbarment case na inihain ng dermatologist na si Helen Joselina Mendoza laban kay Gadon noong 2009.
Tinawag umanong ‘very stupid’ ni Gadon ang mga liham ni Mendoza at sinabi pang aabutin ng 10 taon ang paghahain ng legal suit.
Para sa SC, mali ang ginawa ni Gadon dahil maituturing na hinahamon nito ang judicial system.
“Atty. Gadon’s remarks about the slow justice system and insinuations that cases are won based on abundance of resources, tramp the integrity and dignity of the legal profession and the judicial system, and adversely reflect on his fitness to practice law,” pahayag ng SC.
Giit naman ni Gadon, maghahain siya ng motion for reconsideration sa SC.
Si Gadon ang abogado ni Peter “Bikoy” Advincula at nanguna sa impeachment case laban sa napatalsik na si dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
- Latest