Motorcycle accident no. 9 killer sa Pinas
MANILA, Philippines — Pang-siyam na killer sa bansa ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Ito ang iniulat ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante sa House committee on Ways and Means kaugnay ng ginagawang pagbusisi ng Kongreso sa panukalang taasan ang Road users Tax ng may 300 percent.
Sa kanyang ulat, sinabi ni Galvante na sa ngayon ay may 7 milyong mga motorsiklo ang nakarehistro sa LTO, mas mataas pa ng doble sa 3 milyong rehistradong ibang mga sasakyan tulad ng kotse.
Batay sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 582,183 Pinoy ang namatay noong 2016 o may 1,591 kada araw, 66 patay kada oras o isa ang patay kada minuto.
Hindi lamang umano ang road accident ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa.
Nangunguna sa mga killer na sakit sa bansa ang Ischemia o ang pagbagal ng pagsusuplay ng dugo sa organ ng tao tulad sa puso, cerebrovascular diseases, cancer, hypertension, diabetes, pneumonia, chronic lower respiratory infection, iba pang uri ng sakit sa puso, respiratory tuberculosis at sakit sa genitourinary system.
- Latest