US senators i-ban din sa Pinas!
Buwelta nina Sotto at Go
MANILA, Philippines — Balak din nina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na i-ban sa Pilipinas ang mga US senators na nagsulong na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga Philippine officials na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.
Sinabi ni Sotto na pakialamero ang mga US senators at posibleng hindi maging maganda ang kanilang mararamdaman kung ipapa-ban din ang mga maghahain ng resolusyon para ma-impeach si US Pres. Donald Trump.
“Ano kaya pakiramdam ng senador na ‘yun kung mayroon mag-file ng resolution dito na sabihin na huwag papasukin sa Pilipinas lahat ng mag-iimpeach kay Trump? Ano kaya sasabihin nun? Pakialamero eh,” sabi ni Sotto.
Nilinaw ni Sotto na hindi siya pabor o kontra kay de Lima pero inosente ito hangga’t hindi nahahatulan.
Sinabi naman ni Go na imumungkahi niya kay Pangulong Duterte na i-ban din sa Pilipinas ang mga US senators na nagsulong ng panukala na yumuyurak sa soberenya ng bansa.
Sina US Senators Patrick Leahy at Dick Durbin ang nagsulong na i-ban sa Amerika ang mga nagpakulong kay de Lima.
Maging si Sen. Richard Gordon ay naniniwala na isang pakikialam sa gobyerno ng Pilipinas ang isinulong na panukala sa US Senate.
- Latest