^

Bansa

Rolito Go ‘di kasama sa mga aarestuhin - DOJ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi dapat kasama si murder convict Rolito Go sa mga aarestuhin na mga inmate na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Guevarra, mayroong desisyon ang Korte Suprema noong Disyembre 2016 na nagpapatibay sa resolusyon ng Court of Appeals (CA) at Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na kumakatig sa Habeas Corpus petition ni Go at ng asawang si Elsa kaya ito napalaya.

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Go na natapos na ang kanyang pagsisilbi ng sentensiya noon pang Agosto 2013 dahil sa GCTA Law.

“If I recall correctly, he was freed because of commutation of sentence. I don’t think it was because of good conduct time allowance alone,” ani Guevarra.

Si Go ay kasama sa mga pinuntahan ng mga pulis sa kanyang bahay kahapon ng madaling araw dahil kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga high-profile convicts na dapat arestuhin muli ngayong nagtapos na ang deadline ni Pangulong Duterte.

Pero hindi na siya naabutan ng mga pulis at sinasabing nakalabas na ito ng bansa.

Si Go na isang construction magnate, ay nahatulan ng pagpatay sa De La Salle University student na si Eldon Maguan matapos ang road rage incident noong 1991 sa San Juan.

 

ROLITO GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with