^

Bansa

Signal No. 1 itinaas sa Batanes; Bagong shallow LPA baka maging bagyo rin

James Relativo - Philstar.com
Signal No. 1 itinaas sa Batanes; Bagong shallow LPA baka maging bagyo rin
"Hindi po natin inaalis ang tsansa na magtaas pa rin ng signal sa ilang bahagi ng ating land mass, particularly sa northern tip ng Cagayan," sabi ni Loriedin dela Cruz, weather specialist ng PAGASA tungkol sa bagyong "Liwayway."
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa probinsya ng Batanes sa patuloy na pag-iral ng Tropical Storm Liwayway sa Philippine area of responsibility.

Idineklara ito sa nasabing lugar bandang alas-singko ng hapon, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Posibleng makaranas ang mga taga-Batanes ng mga pag-ulan at maging pagbugso ng hangin sa susunod na 36 oras na pwedeng umabot ng hanggang 60 kilometro kada oras.

"Hindi po natin inaalis ang tsansa na magtaas pa rin ng signal sa ilang bahagi ng ating land mass, particularly sa northern tip ng Cagayan," sabi ni Loriedin dela Cruz, weather specialist ng PAGASA.

Natagpuan ang bagyo 320 kilometro silangang hilagangsilangan ng Casiguran, Aurora bandang alas-kwatro ng hapon at kumikilos pa-hilaga hilagangkanluran sa 30 kilometro kada oras.

Umaabot na sa 65 kilometro kada oras ang lakas ng hangin malapit sa gitna nito na may pabugsu-bugsong hangin na hanggang 80 kilometro kada oras.

Magdadala ng mahihina hanggang katamtaman at minsang sunod-sunod na maalalakas na pag-ulan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Batanes simula ngayon hanggang bukas ng hapon.

Tinatayang lalabas ang bagyo Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga.

Itinaas naman ang "gale warning," na dulot ng malalakas na hangin sa dagat, sa iba't ibang bahagi ng bansa bunsod ng pinagsamang epekto ng bagyong "Liwayway" at hanging habagat:

  • Batanes
  • Calayan
  • Babuyan
  • Cagayan
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Isabela
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Zambales 
  • Bataan
  • mga probinsya ng camarines
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon

Kalat-kalat na mahihina hanggang katamtaman na minsa'y malalakas na pag-ulan naman ang matitikman ng Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas dahil sa epekto ng hanging habagat.

Samantala, binabantayan naman ang panibagong shallow low pressure area na umiiral 500 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Ang nasabing sama ng panahon ay pwedeng lumakas hanggang sa maging bagyo rin.

"Hindi isinasantabi ang posibilidad na maging tropical depression ito," ayon sa PAGASA sa Inggles.

LIWAYWAY

MONSOON RAINS

PAGASA

TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with