Mandatory ROTC bill sa Grades 11, 12 muling inihain
MANILA, Philippines — Muling inihain ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Jericho Nograles ang mandatory, military at leadership training para sa mga grade 11 at 12 students sa lahat ng public at private schools sa bansa.
Sa House bill 2613 ni Nograles, kahit may dati na silang naihain na panukalang pagbuhay sa mandatory ROTC at naaprubahan na ito sa ikatlo at pinal na pagbasa ay hindi ito nabigyan ng prayoridad ng Senado.
Dahil may deklarasyon na umano si Pangulong Duterte na gusto niyang maging prayoridad ang panukalang pagbuhay sa ROTC, umaasa si Nograles na mapapabilis na ang pagpasa nito ngayon.
Sa ilalim ng panukala, ang mga estudyante lang na maaaring ma-exempt dito ay mga physically o psychologically unfit at binigyan ng sertipikasyon ng AFP Surgeon General o isang authorized medical officer.
Gayundin and mga sumailalim sa katulad na military training at napili ng eskwelahan na maging varsity players sa kanilang sports competitions.
- Latest