Magtanim ng puno, maging milyonaryo
MANILA, Philippines — Maaari ka nang maging milyonaryo sa pagtatanim ng mga puno kahit nasa bahay ka lang, nasa trabaho o kahit nasaan ka man.
Magagawa ito gamit ang GCash, ang nangungunang mobile wallet kung saan ang bawat transaksiyon ay isang paraan ng pagtulong upang mapalago ang kagubatan ng bansa.
Tinatapatan ng “GCash Forest” ng pabuya ang bawat paggastos at iba pang transaksiyon sa app na ginagawa ng isang GCash user. Sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources, World Wildlife Fund, Biodiversity Finance Initiative, nakaya ng GCash na gawin ang app na isang virtual place para makapag-ambag ng pagbabago ang mga user sa totoong mundo.
Sa pamamagitan ng “GCash Forest,” maaaring makatulong ang mga GCash user sa pagtatanim ng mga puno sa Ipo watershed sa Norzagaray, Bulacan na bahagi ng isang watershed system na nagsusuplay ng tubig sa halos buong Metro Manila.
Mas maraming green energy points, mas malaki ang tyansang manalo ng P2 milyon. Katumbas ng isang entry para sa premyo ang 400 green energy points.
- Latest