^

Bansa

PNP 'hindi welcome' sa People's SONA ng mga militante

James Relativo - Philstar.com
PNP 'hindi welcome' sa People's SONA ng mga militante
Maliban kasi sa mga unipormadong pulis, magtatalaga din ng "intelligence monitoring teams" ang PNP sa mismong lugar ng protesta.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Hindi ikagagalak ng mga progresibo ang presensya ng Philippine National Police sa gaganaping "People's SONA" kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Sabi ni Ariel Casilao, ikalawang pangulo ng grupong Anakpawis, imbis na masiguro ng kapulisan ang kaligtasan ng protesta ay baka mailagay lang daw sila lalo sa panganib.

Aniya, hindi naman daw kasi kilala ang PNP sa pagrespeto ng Saligang Batas, karapatang mamahayag at magtipon ng mapayapa. 

"It is known to violate these rights, thus, [PNP chief Oscar] Albayalde should quit his act as if he is concerned with the protests," wika ni Casilao.

(Kilala ito sa mga paglabag nito, kaya huwag nang magkunwari si Albayalde na may paki siya sa protesta.)

Nitong Miyerkules, sinabi ni Albayalde na aabot sa 14,000 personnel ang kanilang itatalaga sa National Capital Region.

Nasa 8,500 unipormadong pulis naman daw mula sa Quezon City Police District ang ilalagay nila malapit sa Batasang Pambansa.

Maliban sa mga unipormadong pulis, maglalagay din ng non-uniformed personnel ang PNP, na tinatawag nilang "intelligence monitoring teams," sa mismong lugar ng protesta.

"[This is n]ot only for the protection of the community but also the protection of the protesters themselves," sabi ni Albayalde sa isang press conference.

(Hindi lang ito para sa proteksyon ng komunidad ngunit pati na rin para sa mga raliyista.)

Bilang tugon, sinabi ni Casilao mas mainam pang huwag nang magtanim ng mga intelligence officers sa kanilang hanay, lalo na't "isasabotahe" lang daw sila ng mga ito.

"We were at it many times, that when the PNP units stood still, protests always end in an orderly manner, but when they advance to disperse or block it, that is when violence erupts," dagdag ng Anakpawis.

(Ilang beses na kaming nagharap, at kapag wala silang ginagawa, mapayapa ang protesta. Pero kapag sinisimulan nilang magdisperse o mangharang, doon nagsisimula ang gulo.)

Gayunpaman, nanindigan ang PNP na wala silang balak pigilan ang mga raliyista: "Hindi [ito] para ma-hamper ang activity," paliwanag ni Albayalde.

Inaasahan ang pagdagsa ng libu-libo sa Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Lunes kasunod ng okasyon, upang idaing ang diumano'y totoong kalagayan ng bansa na hindi mangyayari sa Batasan.

Random inspection ng mga bag

Samantala, kinastigo rin ng mga aktibista ang plano ng PNP na magsagawa ng random inspection sa mga bag at backpack ng mga nasa protesta.

Ilan kasi ito sa mga "paghihigpit" na iiniutos ni Albayalde kasunod ng mga panibagong pambobomba sa Mindanao.

"Most probably, the NCRPO [National Capital Region Police Office] will be conducting random inspection of the bags and backpacks of the participants, 'yung mga protesters doon. For their own safety," wika ng hepe.

(Malamang sa malamang, magra-random inspection ang NCRPO ng biglaang inspeksyon ng mga bag ng mga dadalo, 'yung mga magproprotesta. Para na rin sa kaligtasan nila.)

Ayon naman kay Renato Reyes Jr. ng Bagong Alyansang Makabayan, sana'y huwag na nilang panghimasukan ang privacy ng mga tao.

"What he is proposing is unconstitutional and illegal. He and his officers can be sued for what they are proposing to do," wika ni Reyes nitong Huwebes.

(Labag sa konstitusyon at iligal ang gusto niyang gawin. Pwede silang idemanda sa gusto nilang gawin.)

Bagama't kailangan ang "stop and frisk" searches sa law enforcement, dapat daw ay ibalanse ito sa karapatan ng mamamayan sa privacy alinsunod sa Article III, Section 2 ng 1987 Constitution.

Hindi raw maaari na magkaroon na lamang ng "blanket stop and frisk operations" habang nangyayari ang mga protesta, dahil hindi naman nakakamit ang "suspisciousness" requirement.

"There has never been an instance in previous SONA protests that large bags contained explosives, ammunition or firearms," sambit pa ni Reyes.

(Kahit kailan, walang nagdadala ng mga pampasabog, bala o baril sa mga SONA protest.)

ARIEL CASILAO

PEOPLE'S SONA

RENATO REYES JR.

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with