Partylist coalition susuporta kay Cayetano
MANILA, Philippines — Susuportahan na lang ng Partylist Coalition ang pag-endorso ni Pangulong Duterte kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker ng 18th Congress.
Ayon kay Partylist Coalition President Mikee Romero, suportado nila ang endorsement ni Pangulong Duterte sa ngayon at wala ng kwestyon tungkol dito.
Sa kabila nito, inamin naman ni Romero na malaki ang impact ng pag-endorso ng Pangulo sa resulta ng magiging botohan sa pagbubukas ng sesyon sa July 22 subalit nanindigan sila na bloc vote ang paiiralin sa pagboto ng Speaker.
Nang tanungin kung si Cayetano ang kanilang iboboto, sagot ni Romero “for the President’s choice kami” at nang muling ulitin ang tanong kung sino ang iboboto, ang sagot ng kongresista ay “yes for now:.
Nilinaw naman ng kongresisa na ang “for now” ay dahil maaari pa rin namang magbago ang isip ng Pangulo.
- Latest