Deadline ng SOCE hanggang bukas na lang
MANILA, Philippines — Hanggang bukas na lang ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng lahat ng local candidates na lumahok sa May 13, 2019 midterm elections.
Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya, sa ilalim ng batas, lahat ng kandidato, nanalo man o natalo sa eleksiyon, ay kinakailangang magsumite ng SOCE.
Binalaan rin ni Malaya ang mga nanalong opisyal na mabibigong magsumite ng SOCE sa takdang panahon ay hindi papayagang makaupo sa pwesto, base sa Republic Act 7166.
Dapat sana ay ngayong araw, Hunyo 12, ang deadline sa paghahain ng SOCE, o isang buwan matapos ang eleksyon, ngunit dahil natapat ito sa Independence Day na isang regular holiday sa bansa, ay nagpasya ang Comelec na palawigin ang deadline nito hanggang Hunyo 13.
- Latest