^

Bansa

Kapa Ministry utos ni Duterte na ipasara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kapa Ministry utos  ni Duterte na ipasara
Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, kinalampag ng Pangulo ang Criminal Investigation and Detection Group at ang National Bureau of Investigation tungkol sa Kapa-Community.

Kasama ang ibang pyramiding scams

MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpa­sara sa Kapa-Community Ministry International at iba pang pyramiding investment scams na nangangako ng malaking kita sa loob ng maikling panahon.

Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, kinalampag ng Pangulo ang Criminal Investigation and Detection Group at ang National Bureau of Investigation tungkol sa Kapa-Community.

Ayon sa Pangulo maaring kasuhan ng “syndicated estafa” ang mga nasa likod ng scam.

Ipinaalala rin ng Pangulo na kapag ang isang bagay ay “good to be true,” malamang ay lokohan ito.

Inihalimbawa ng Pangulo ang mga nangangako na ang P100,000 ay tutubo ng P30,000 sa isang buwan samantalang ang bangko ay umaabot lamang sa 3 percent ang tubo.

Idinagdag ng Pangulo na ilang beses na niyang pinaalalahanan ang mga mamamayan na huwag maniniwala kapag pinangakuan ng hindi makatotohanan.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya maaring sisihin na hindi siya nagpaalala tungkol sa mga pyramiding scam.

APOLLO QUIBOLOY

KAPA-COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL

PYRAMIDING SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with