^

Bansa

PVAO walang ‘ghost pensioners’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang ‘ghost pensio­ners’ ang Philippine Vete­rans Affairs Office (PVAO) at wala ring nawawalang pondo sa ahensya.

Ito ang mariing pinanindigan at nilinaw kahapon ni PVAO Administrator ret. Lt. Gen. Ernesto Carolina kaugnay naman ng lumabas na report ng Commission on Audit (COA) na umano’y nagbayad ang ahensya ng P70-milyon sa mga ghost pensio­ners na aabot sa mahigit 5,000 ang bilang.

Ipinaliwanag ni Carolina, mula sa P70-mil­yon, nasa P40-milyon dito ang nabawi na nila habang ang nala­labi pang P30-milyon ay nananatili sa bank accounts ng mga benepisyaryo at hindi ito ginagalaw.

Sa kasalukuyan, ayon kay Carolina ay hindi pa ito mabawi ng PVAO dahil nanganagilangan ito ng kaukulang dokumento tulad ng death certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) bilang katunayan na ang isang pensyonado ay patay na.

 “At least P40-milyon ang nasa individual account pa, hindi pa mailipat, wala pang death certificate, kasi kung maisauli hindi dapat isauli over remittance, eto yung remittance after death”, anang opisyal.

Tiniyak naman ni Ca­rolina na walang nangyayaring ano­malya sa kanilang ahensya at nangako itong maisasaayos din ng PVAO ang mga kinukuwesyon sa kanila ng COA sa lalong mada­ling panahon.

PVAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with