^

Bansa

5 brand ng suka may ‘synthetic acetic acid’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
5 brand ng suka may  ‘synthetic acetic acid’
Ito ay kinabibilangan ng Surebuy Cane Vi­negar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vine­gar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.

MANILA, Philippines — Limang brand ng suka ang kinakitaan ng Food and Drug Administration (FDA) na nagtataglay ng synthetic acetic acid.

Ito ay kinabibilangan ng Surebuy Cane Vi­negar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vine­gar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.

Batay sa June 4, 2019 advisory ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, lumilitaw na ang mga naturang suka na may iba’t ibang expiration ay nagtataglay ng ”synthetic acetic acid.”

“Any artificial matter such as synthethic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public,” nakasaad sa advisory.

Ayon kay Domingo, bagamat hindi dapat nagtatag­lay ng synthetic acetic acid ang suka wala rin naman itong panganib sa kalusugan. Aniya, bumababa lang ang kalidad ng suka.

Ang pagkakaroon ng synthetic acid ay indikasyon daw na hindi dumaan sa fermentation ang suka o culture process na ginagawa sa produksiyon ng commercial vinegar.

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

SYNTHETIC ACETIC ACID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with