2-year mandatory ROTC lalabag sa int’l law
MANILA, Philippines — Tutol si Sen. Risa Hontiveros na maging ganap na batas ang Senate Bill 2232 na naglalayong ipatupad ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Grades 11 at 12 dahil lalabag umano ito sa isang international law.
Ipinaalala ni Hontiveros na halos menor- de-edad pa ang mga nasa Grades 11 at 12 na binabawalan pang sumabak sa military training sa ilalim ng “Optional Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child” isang protocol kung saan kabilang ang Pilipinas.
Paliwanag ni Hontiveros na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kinabibilangan din ng isang ‘citizens’ armed force na mangunguna sa military training ng mga sasabak sa ROTC.
Nagpahayag din ng pag-aalala si Hontiveros kung saan kukunin ang pondo ang logistical requirements kung gagawaing mandatory ang ROTC lalo pa’t nasa 11,000 ang high schools sa bansa.
Bagaman at kinikilala umano ni Hontiveros ang kahalagahan ng military education at training para sa mga estudyante upang magamit siya sa national defense, pero dapat ay maging optional ito sa mga estudyante.
- Latest