Intel fund nasasayang sa ‘incredible’ matrix
MANILA, Philippines — Naaaksaya lang ang intelligence fund ng gobyerno sa mga hindi kapani-paniwalang impormasyon katulad ng matrix na ipinakita ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa media kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga diumano’y nagbabalak na patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte.
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Panfilo Lacson tungkol sa bagong matrix kung saan nakalagay pati ang pangalan nina weightlifter champion Hidilyn Diaz at media personality na si Gretchen Ho.
Para kay Lacson, incredible at hindi kapani-paniwala ang ginawang pagsasama kina Diaz at Ho sa matrix na iprinisinta ni Panelo. Dapat daw ipaliwanag kung papaanong nasama ang pangalan ng dalawang personalidad.
Idinagdag ni Lacson na hindi rin dapat basta-basta inilalabas sa media ang mga resulta ng intelligence work kung hindi pa naba-validate.
- Latest